Dated Letter (2014)

HAHAHAHAH ‘Di ko alam actually anong sasabihin/gagawin/iisipin ko. Ang sarap sa pakiramdam nang sabihin mong mahal mo rin ako. 'Yun na 'yun, eh. Kaya lang, sabi mo, napalapita ka na rin sa kanya. Na 'di mo kayang iwan s'ya. Na hindi mo alam kung ano nang gagawin. Alam kong mahirap, pero alam kong alam mong kailangan mo ring gumawa ng desisyon. As far as I can see, you chose him. I’m not really sure about that, though. Tapos, sinabi mo pa d'ung ayos lang kung bumitaw na ako. Is this the sign I have been asking for? Is it time that I let go? Honestly, I was quite relieved, when you said those words. Pero, dapat ba talagang gan'un 'yung maramdaman ko? I mean, you’re giving me a change to either keep holding on, or let go. On the other hand, 'pag bumitaw ako, at least, 'di na ako mahihirapan. 'Di ko na kailangang itago 'yung nararamdaman ko, kapag nakikita ko kayong magkasama. As a guy, alam kong masakit din sa kalooban n'ya, kapag nakikita kang may kasaman iba, kung talagang mahal ka n'ya. I think he does. I think he’s serious with you. Kilala mo rin ako, alam mong isasakripisyo ko 'yung kasiyahan ko, para sa kasiyahan nh iba. And I think din na 'di ko kakayaning agawin sa kanya 'yung kasiyahan n'ya. Napanood ko 'yung Starting Over Again n'ung isang araw. Sana 'di ako maging Marco. Sana I can hold on to my words. “I won’t ever lose hope.” Ngayon kasi, ikaw pa rin, eh. I mean hindi ko pa ulit nararanasan 'yung napadama ko sa akin. That someone actually believes in me. Tht you trust someone very much that you share your deepest decrets to her. That you become alive, when you are with her. Sabi ko sa'yo, ayaw kong nasasaktan ka. Ayaw kong nahihirapan ka. Mas mahihirapan ka ba, kung bibitiw ako ngayon? Mas magiging masaya ka ba, kapag ipauubaya na lang kita sa kanya upang magpaligaya sa'yo?

Is it too much to become independent from a person even for a while? I mean, ayaw mo nang humingi ng tulong sa kanya, kasi lagi ka na lang n'yang tinutulungan. ‘Yung sa pagkakataong ito, gusto mong makagawa ng something mag-isa. Gusto mong patunayan sa sarili mong kaya mo pa. Gusto mong mapatunayang hindi mo kailangang laging umasa sa iba. Or at least you did your best before asking for help. Alam mo namang nand'yan lang siya palagi.

Nararamdaman mo na kasing napag-iiwanan ka. Na kahit anong paghahabol ang gawin mo, 'di mo pa rin s'ya maaabot. Hindi niya makita 'yun, kasi hindi nga siya 'yung naghahabol. Parang kapag naglalakad ka sa mall kasama mga kaibigan mo, hindi n'yo naman agad-agad namamalayang may naiiwan na pala sa likuran n'yo. Mapapansin n'yo na lang na may nawawala na pala.

I really do not know how to make friends. Siguro ako ‘yung may problema, kasi lagi na lang gan'un. Lagi na lang nawawala(?)/lumalayo(?) sa akin 'yung mga na-coconsider kong friends after an indefinite amount of time. I feel out of place, lalo na kung may kasama silang iba. Especially sa mga coursemates ko, lagi na lang ako nanliliit kapag kasama ko sila. Hindi ko alam kung paano ako makikitungo sa kanila. Lagi na lang ako ang napag-iiwanan kapag kailangan ng partners at ng groupworks.